Dumating sa Pilipinas ang purong Pinoy na Filipino Ultimate Fighting Championship (UFC) middleweight star na si Mark Munoz hindi lamang para puntahan ang lupang-sinilangan ng kanyang mga magulang, kung hindi maging ang tahanan ng UFC sa bansa, ang Balls.
Sa isang pagtitipon noong Lunes sa Balls Channel's headquarters sa ABS-CBN, sinamantala ni Munoz ang pagkakataon na pasalamat ang kanyang mga kapwa Pinoy na tagahanga sa taus-pusong pagsuporta nito sa kanyang karera at sa UFC.
Malaki rin ang pasasalamat ni Munoz sa Balls Channel dahil sa paglalapit nito ng UFC at mixed martial arts sa puso ng mas maraming Pilipino.
Isa sa mga pakay ni Munoz sa kanyang pagbisita sa bansa ay ang mabisita ang hometown ng kanyang mga magulang, na ngayon lamang niya magagawa dahil sa sobrang pagiging abala sa kanyang karera sa UFC.
“Mahal ko ang aking kultura. Excited na akong bisitahin ang lugar na aking pinagmulan,” ani Munoz.
Matatandaang nagtamo ng injury sa braso si Munoz dahilan para hindi matuloy ang laban niya sa middleweiigay-ght bet na si Chael Sonnen. Ito rin ay nagbigay daan para sa maluwag na schedule ni Munoz, kung kaya't pagkakataon na niya para tuklasin ang kanyang pagka-Pilipino. Lumaki sa Sta. Ana, Maynila ang kanyang ina habang taga-Pasay naman ang ama niyang US Navy serviceman.
Sa Hulyo nakatakdang magbalik UFC si Munoz. Pagbalik sa Estados Unidos sa ika-22 ng Pebrero, itutuloy niya ang therapy sa bagong operang braso.
Ang Balls Channel ay available sa SkyCable Platinum, SkyCable Gold, SkyCable Silver at sa higit sa 200 quality cable operators nationwide. Para sa mga updates, mag-logon sa www.ballschannel.tv at i-follow ang Balls sa facebook.com/BallsChannel at @ballschannel sa Twitter.
Photo by David Abrenilla